Lunes, Abril 02, 2012

Malayang Pag-sinta ni Juan


Sabi nila, ang pag-ibig daw ay ang pinakamakapangyarihang emosyong ating nararamdaman. Dalawa lang naman ang nagiging bunga ng pag-ibig eh, kung hindi ang pagiging masaya eh pagiging malungkot. Masarap makaranas ng pag-ibig kung alam mong totoo ang nararamdaman mo. Sa lalo mong pag-tuklas sa hiwaga ng pag-ibig, marami kang haharaping pag-subok para sa ikakaganda nito. Ano nga ba ang sangkap sa napakasarap na lasa ng pag-ibig? Kailan mo masasabing nakakaramdam ka ng hiwaga na ito? Para sa akin, mayroong TATLOng instrumento ang pag-ibig, kapag mayroon kayo nito, isa rin itong daan sa pag-sabi din ng TATLOng matatamis na salita ang "I LOVE YOU".


Tiwala Lang kaibigan! Isa sa pinakaimportanteng kailangan sa pag-ibig kay tiwala. Kapag nag-bigay ka ng tiwala sa iyong mahal, parang binbigay mo na rin sa kanya ang iyong buhay. Pinag-kakatiwala mo ang iyong sarili, ang iyong seguridad, at higit sa lahat, ang pag-sabi sa iyong sarili na, "Hindi nya ako kayang pag-taksilan." Napakasayang isipin na binibigyan ka din ng kahit katiting na tiwala ng iyong minamahal. Sa kabila nito, kagaya mo, ipinagkakatiwala na din nya ang kanyang buhay sayo. Babae ka man o lalake, responsibilidad mo ang pananatili ng tiwalang inaalay para sayo. Huwag na huwag kang gagawa ng isang masamang imahe na magsisilbing lagusan sa unti-unting pag-kawasak ng kanyang tiwala. Ang pagiging matino sa pag-ibig ang isang daan sa matuwid na pag-mamahalan. Huwag mag-alinlangan sa pag-bigay ng tiwala dahil babalik at babalik din yaan sa iyo. TIWALA LANG!


Hinding-hindi mawawala dapat ang isang KOMUNIKASYON sa isang relasyon. Ito ang nagsisilbing tulay ng dalawang taong nag-mamahalan para laging buhay ang kanilang presensya lalo na't kung malayo sila sa isa't-isa. Napakasarap makasama ang taong iyong minamahal. Yoong tipong nag-babasaan sa gilid ng dagat, kumakain mag-kasama sa maaliwalas na parke. Ngunit, sabi nga nila, lahat ng bagay ay may katapusan, sana pag-katapos ng araw na magkasama kayo ay dapat pinapanitili nyo sa sarili ninyo ang komunikasyon sa isa't-isa. Hindi natin hawak ang mundo na tayo ang magdedesisyon para lamang sa ikakasaya natin. At tsaka, hindi lang ang taong mahal mo dapat ang pinag-lalaanan mo ng presensya, nandiyan ang iyong pamilya na nag-palaki sayo, kapatid at mga kaibigan. Huwag na huwag mo silang kakalimutan dahil mas kilala mo sila kaysa sa mahal mo (Kung bago pa lamang ang relasyon).



Ang presensya naman ang pinakamahalaga sa lahat. Ito ang nagsisilbing daan sa pag-kilala mo at pag-kilala sayo ng taong iyong sinisinta. Sa paraang ito, malalaman mo kung sino ba talaga siya, mga kahinaan at gusto niya. Magandang ibahagi ang pinakamasayang presensya sa iyong taong sinisinta. Magkaroon kayo ng tinatawag na BONDING para makabuo ng isang dipang alaala na maisusulat nyo sa inyong mga isipan. Napakasarap ng pakiramdam na nasa tabi mo ang iyong mahal. Nasasabi mo ang gusto mong sabihin gaya ng "Mahal Kita" at dapat ipakita mo sa kanya kung ano ka ba talaga. Magpakatotoo ka sa sarili mo kapag kayo ay mag-kasama dahil mas mamahalin ka niya kung iyon ang gagawin mo. Uso din ang pag-lalambing sa isa't-isa gaya ng maiinit na yakap at matatamis na halik. Sa paraang ito, nailalathala mo sa kanya kung gano mo siya kamahal.


Sa buhay pag-ibig, may sasakit pa ba sa salitang BREAK na TAYO! Ano nga ba ang pakiramdam sa tuwing naririnig natin ang napasakit na salitang ito? Para kang sinakluban ng langit at lupa, para kang sinagasaan ng eroplano, at higit sa lahat, para kang sinusunog sa impyerno. Napakasakit kung makakaramdam tayo ng ganitong bagay. Hindi ito maiiwasan sa isang relasyon dahil sa mga hindi maintindihang problema. Gaya nga ng sabi ko nung una, TIWALA, KOMUNIKASYON, at PRESENSYA lamang ang sangkap sa matagumpay na pag-iibigan. Marahil ay nag-kulang ka sa mga pangangailangang yan. Ganun pa man, hindi pa iyan ang katapusan ng buhay mo kaibigan. Mas makakahanap ka pa ng mas karapat-dapat sa iyo na inilaan talagang tunay ng Diyos. Ang mali mo lamang ay nag-mahal ka ng taong hindi inilaan sayo pero okay lang yoon. Matuto tayo sa ating pag-kakamali at ituwid ang ating landas para mahanap ang ating tunay na kaligayahan. Huwag kang magpapakamatay kaibigan! Alam mo ba kung bakit kayo nag-hiwalay? Simple lang, hindi siya para sayo, kaya bakit mo sasayangin ang makulay na buhay para lamang sa kanya. Nakakalungkot isipin na madaming kagimbal-gimbal na pangyayaring ganito. Sana mamulat tayo sa reyalidad ng buhay na hindi sinasayang ang buhay sa maling tao.



Sa kabila ng unos ng pag-ibig, mayroon papalit na ngiting magsisilbing inspirasyon. Natutuwa ako sa mga matatandang napanatili ang presensya ng tunay na pag-ibig. Dahil dito, napatunayan ko sa sarili ko na hindi masamang mag-mahal. Ang mali lang natin ay ang hindi pag-hintay sa tamang panahon, sabi nga nila pana-panahon lang ang buhay. Sa pag-hagilap mo sa reyalidad ng buhay, alam kong mahahanap mo din siya. Siya na magpapaligaya, magpapatunay na ang pag-ibig ay mahiwaga at masaya. Hindi mo nga talaga masasabing kung kailan darating ang tunay na pag-ibig at sana lahat tayo ay magkaroon ng umaapaw sa galak pag-dating sa pag-ibig. Ikaw, nahanap mo na ba ang iyong tunay na pag-ibig?



"Sa pag-lipad sa langit na inaasam, pag-ibig sana'y iyong makamtan. Matuto tayong mag-hintay sa tamang ORAS at tamang LUGAR. Nawa'y maging masaya ka sa iyong tatahaking landas sa pag-tuklas ng tunay na PAG-IBIG."

www.facebook.com/NakatagongMukhangBUhay 

Kalinga ng Mabuting Ibon


Ano nga ba ang salitang kaibigan? Sino-sino ba sila sa buhay natin? Nahanap mo na ba ang iyong kaibigan? Sabi ng iilan, ang kaibigan daw ay isang taong laging nakaagapay sa oras ng kagipitan at ang tanging masasandalan ng bawat nilalang. Sila yung mga taong nag-aalay sa iyo ng oras para mag-bigay ng kasiyahan at sila din ang taong umaalalay sa atin sa tuwing ang problema ay nararanasan. Para sa akin, ang kaibigan ay isang inspirasyon na dapat dinadala natin sa anumang unos o saya ng buhay.

Sa pag-bagtas mo sa agos ng buhay, kasabay nito ang pag-alalay sa iyo ng isang tunay na kaibigan. Masarap magkaroon ng isang tapat na kaibigan lalo na't minsan, sila ang katulong mo sa iba't-ibang bagay. Hindi ka nila iiwan gaya din ng inaasahan nila sayo, kasabay mo sila sa lahat ng mga bagay na pwedeng masabing kailangan ng kaibigan. DotA, pag-aaral, barkada, outing, gala, yan ang mga iilang bagay na kailangan ng kaibigan.

Nakakalungkot isipin na minsan, ay nagkakaroon ng alitan ang mga magkakaibigan. Ngunit ganun pa man, hindi ito dapat ang maging daan para sa ikakawasak ng mabuting samahan. Maging inspirasyon ito dapat sa atin na mas mabuting pairalin ang pag-mamahalan kaysa sa alitan. Huwag nating hayaang sirain ang matagal na pag-sasamahan dahil lamang sa sandaling 'di pag-kakaunawaan. 


Pamilyar na pamilyar ang kasabihang ito tungkol sa kaibigan. "Ang mga kaibigan ko ay parang lata, maingay pero at least hindi PLASTIK." Mayroon kasing mga taong parang pusang gala, aalis kapag nakuha na nila ang gusto nila. Mayroon namang tayong masasabing BACKSTABBER o Plastik, kapag nakatalikod ka, bawat binibitawan nilang salita ay taliwas sa iyo. Resposibilidad mo ang mag-hanap ng totoong kaibigan. Iwasan mo ang kaibigang alam mo na hindi makakatulong sayo bagkos ay ikasisira mo pa. Hanapin mo ang kaligayahan sa piling nila at malalaman mo na nahanap mo na talaga ang iyong tunay na kaibigan.


"Knowledge cannot replace friendship. I'd rather be an idiot that lose you." Napakagandang kasabihan. Ito ang pinaka-paborito kong kasabihan kung kaibigan ang pag-uusapan. Hindi kayang bayaran ng kaalaman ang pag-kakaibigan. Hindi mo mahahanap ang iyong tunay na kaibigan kapag ginagamit ang iyong kaalaman. Magkaroon ka nga, ngunit masasabi mo bang tapat at nandiyan  sila palagi sayo? Parang ganito, tuwing pag-susulit, sabi nila sayo, "Huy, pakopya mamaya ha! :) friends naman tayo eh." Masasabi mong kaibigan mo sila dahil narinig mo, pero naramdaman mo ba? Pag-tawag pa nga lang nila sayo na "huy" eh parang hindi ka nila kayang tawagin sa sarili mong pangalan. Sila yung mga tipong pusang gala na aalis sa buhay mo kapag nakuha na ang gusto nila. Mamulat ka kaibigan, hindi porket konti ang iyong nalalaman ay wala kang masasabing kaibigan. Ang pagiging totoo sa sarili ang mas madaling paraan para magkaroon ng tunay na kaibigan.



Minsan sa buhay magkaibigan, hindi malayong mahulog ang iyong puso para sa kanya. Mahirap isakripisyo ang matagal na pinag-samahan para sa isang nag-aalinlangang nararamdaman. Sa pag-hahangad ng mas mataas na hangarin, hindi mo alam unti-unti na palang nawawala ang dapat mong pag-trato sa kanya. Pag-ibig, isang pambihirang nararamdaman mo kaibigan. Hindi masamang maghangad nito ngunit, dapat mo munang isipin ang maaaring kahantungan nito. Paano kung ayaw nya? May magagawa ka pa ba? Magkaroroon kayo ng ilangan sa isa't-isa at alam kong ayaw mong maganap iyoon. Napahirap ng ganyang sitwasyon, hindi mo alam kung anu ba dapat ang lugar mo sa buhay nya dahil tinatrato mo siya bilang isang espesyal na kaibigan. Sumabay ka lang sa agos ng buhay at baka swertehin ka na may gusto din pala siya sa iyo. Payo ko lang ay isipin mo muna kung ano ang mas mahalaga at kung saan kayo mas tatagal.



Para sa akin, nahanap ko na ang mga tunay kong kaibigan. Sabay-sabay namin linayag ang 'di matatagong ganda ng dagat, at sa lawak nito ay nagkita-kita kami at alam kong plano ito ng Poong Maykapal para sa amin. Pininta namin ang masasaya at malulungkot na alaala na nagsisilbing gabay namin sa aming samahan. Sama-sama kaming sumakay sa eroplano ng buhay, sama-samang nag-aral at gumawa ng kalokohan. Maipagmamalaki namin na ang halos lahat samin ang SCHOLAR dahil alam naming hindi hadlang ang barkada sa pag-tamasa ng minimithing bituin. Nagpapasalamat ako sa inyo mga kaibigan, Camille Bocalig, Ninna Maglonso, Ruth Jane Clarita, Joanna Cardenas, Stephen Bacani, Keanu Ochiava, at Mike De los Santos. Dahil sa inyo, nakita ko ang liwanag ng kasiyahan sa likod ng nag-aalab na araw. Sana lagi tayong ganito at alam mong mangyayari ito. Inna Almira, isa pa pala siya sa tunay kong kaibigan, wala kasi siya jan sa larawan.

"Napakasarap ng pakiramdam na alam mong ang kaibigan mo ay tapat at handang magsakripisyo para sa iyo. Hanapin ang iyong kaligayahan sa simpleng kaibigan dahil isa sila sa hindi mababayarang pangyayari sa iyong buhay."

Linggo, Abril 01, 2012

Pag-lalakbay sa Maningning na Bituin



Pamilyar ka ba sa salitang bulalakaw o mas kilala natin sa tawag na shooting star? Naniniwala ka ba sa sabi-sabi tungkol dito na kapag nakakita ka nito ay kailangan mong humiling ng walang hanggan at matutupad?

Noong bata ako, habang nakahiga sa aming bubongan at sinasariwa ang simoy ng hangin, nakakita ako ng kakaibang bgay mula sa kalangitan. Ito ay parang mabilis na jet plane mas mabilis pa sa pinakamabilis na sasakyang pang-himpapawid. Sabi ng kaibigan ko, ayun daw ay isang "wishing star" na kapag nakita mo daw, sabayan mo ng mahiwagang hiling at matutupad daw. Hindi ako naniniwala sa mga ganyang sabi-sabi pero sinubukan ko ng walang alinlangan.

Hiniling ko sa mahiwagang "wishing star" na maging piloto ako dahil yoon talaga ang pangarap ko simula pa lamang. Ang aking kabataan ay binubuo ng mga eroplanong malayang nakakalipad sa kalangitan na akala ko ay magiging propesyon ko pag-dating ng araw. Dati para sakin, kapag nakasakay ka sa eroplano, naabot mo na ang buhay, ngunit hindi pa pala. Marami ka pa palang pag-dadaanang pag-subok bago mo maabot ang tuktok ng himpapawid gamit ang eroplano. Masayang mangarap nung bata ka pa kasi alam mong walang pipigil sayo. Libre lang ang mangarap wika nga nila.

Nalaman ko na ang pangarap pala ay isang imahinasyon lamang. Imahinasyon na gusto mo maging pag-dating ng araw at dapat ikaw ang gagawa ng paraan sa pagkamit nito. Pabago-bago ang isip nating mga tao depende sa nakakasalamuha natin. Sabi ng tatay mo, gusto ka nyang maging inhinyero, nanay mo naman gustong kang maging guro. Minsan naguguluhan ay iyong isip kung anu ba talaga ang tatahakin mong kapalaran sa buhay.

Kapag ba natupad mo ang pangarap ng ibang tao para sayo, magiging masaya ka? Gusto mo bang maging ganyan ayon sa iyong sariling interes? Alam mo dapat sa sarili mo kung ano ang nais mong maging pag-dating ng takdang panahon.Hindi sabi ng ibang tao dahil hindi naman sila ang bumubuo ng pangarap mo. Pwede mo din namang gawing pangalawang interes ang mga sinasabi nila sayo, pero dapat ang ikaw ang mag-dedesisyon sa buhay mo.

Ano nga ba ang pakiramdam ng pag-kamit ng natatanging bituin? Sa una, mahirap ang pag-tahak sa maningning na bituin, maraming kailangang pag-daanan para lang makamit ito. Andiyan ang hirap at masusubukan ang iyong tiyaga at sikap para gumawa ng hagdan sa pag-kamit nito. Andiyan din ang saya, sa pag-kakataong ilalagay mo na sa sarili mong palad ang maningning na bituin.

Kaya kaibigan, patuloy lang ang iyong pangangarap kasabay nito ang pagsisikap at determinasyon sa pag-tupad nito. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo sa pag-hulma ng iyong sariling bituin.



Patuloy mo lang abutin ay iyong ninanais na mithiin kaibigan. Lahat ng ginagawa natin ay punung-puno ng pag-asa. Maliit man ang posibilidad, ang pag-asa ay pag-asa. Habang may buhay nga dba sabi ay mayroong kaakibat na pag-asa.

"Tuparin mo ang iyong pangarap dahil ito ang makakapagpasaya sayo kaibigan."

 

 http://www.facebook.com/NakatagongMukhaNgBuhay

Ang Pumapayat na Pag-asa


"Kabataan ang pag-asa ng bayan." wika ni Dr. Jose P. Rizal, ang ating Pambansang Bayani. Paano kaya masasabing ang kabataan ang pag-asa ng bayan kung ang sariling bayan mismo ng nag-kakait ng kaalaman sa kabataan? Naisip mo ba na kapag hindi ka nakapag-aral, magiging kawawa ka sa mundong ating kinagagalawan?
 Sabi nila, ang edukasyon daw ang armas ng bawat kabataan upang maabot ang kani-kanilang pangarap. Ngunit, paano nga ba nila ito makakamit kung sa likod ng bawat kaalamang kanilang nakukuha ay nag-hahari ang salapi? Masasabi mo ba sa sarili mo na kaya mong makapag-aral at abutin ang iyong sariling pangarap?
 Noong bata pa ako, hindi ko alam kung para saan nga ba ang edukasyon. Hindi ko alam kung bakit ako nag-aaral. Iniisip ko dati na trip-trip lang ang pag-aaral sa elementarya, na kapag mataas ang marka sa pagsusulit, eh edukado ka na. Hindi pala ganun yoon. 
Sa aking paglaki, namulat ang aking muwang na isipan na dapat talaga tayong mag-aral. Ito ay hagdan tungo sa pag-tahak ng iyong simpleng pangarap na kung saan magiging makabuluhan ang buhay mo. Ngunit, tumatak sa aking isipan, patas nga ba akong lumalaban sa mundo? Paano ang mga batang hindi kayang mag-aral sa mga paaralan? Halos lahat ng aking kilala, eh hindi nakakatapos ng kolehiyo dahil sa balakid na armas sa likod nito, ang PERA. 
Masasabi ko sa sarili ko na NAPAKAMAHAL ng EDUKASYON dito sa ating bansa. Napakamahal dahil limitado lang ang nakakaranas nito. Ang mga taong salat sa buhay ay hindi nabibigyan ng pag-asa magtagumpay. Tama nga ang sabi ng iilan, "Ang mayaman lalong yumayaman, at ang mahirap ay lalong humihirap." Hindi ko ito maitatanggi dahil ito ang katotohanan.
Hindi ko rin maitatanggi na ang iba sa ating kabataan ay TAMAD mag-aral kahit libre ang edukasyon sa mga pampublikong paaralan. Marahil, sumasagi sa isip nila na, "Ay, hindi naman ako makakatungtong ng kolehiyo, para saan pa at mag-aaral ako?" Maling-mali ang pahayag na namumuo sa ating iilang kabataan na ganito. Maraming paraan para tayo'y makapag-aral. Sa bawat lungsod dito, mayroong pampublikong kolehiyo ang nakatayo para sa hindi kayang makapag-aral sa mapangalang unibersidad gaya ng PLM (Pamantasang Lungsod ng Maynila) at PLV (Pamantasang Lungsod ng Valenzuela).
Sa iyong simpleng pangarap, laging kailangan ang edukasyon. Mahirap man maabot ngunit maraming paraan. Mag-aral ng mabuti at itatak sa isip natin na dapat mayroon tayong mararating sa buhay, na kaya nating tuparin ang ating mga mithiin sa kabila ng kahirapan ng buhay. Mamulat tayo sa isang kasabihan na, "Kung ayaw may dahilan, kung gusto naman maraming paraan." Tandaan natin, tayo ang gumagawa ng ating kapalaran, sa simpleng pag-bangon ng bayan ay dapat nag-sisimula sa ating kamay. Magsikap ka kaibigan at naniniwala akong kaya mong lagpasin ang unos ng buhay. Sa pamamagitan ng edukasyon, masasabi mo sa sarili mo na kayang kaya mo na ang hamon ng buhay.


"Masarap harapin ang buhay lalo na't alam mong kaya mo ito. Sa pamamagitan ng edukasyon, magiging madali ang lahat. Tamang sikap at gabay lamang kaibigan at naniniwala akong malalagpasan mo ito."




Sabi nila, ang Buhay ay


               
          
Ano nga ba ang buhay? Sabi nila, ang buhay ay isang makabuluhang bagay na binigay ng atin Poong Maykapal na dapat alagaan at bigyan ng kulay. Pero para sa akin, ang buhay ay isang pag-subok kung saan masusubok ang pagiging tao mo. Ang buhay ay binubuo ng masasaya at masasakit na alaala. Ang mga alaalang ito ay humuhulma sa pagiging tao mo kung ano ka ngayon.
Noong 5 taong gulang pa lamang ako, tinanong ako ng aking guro kung ano daw ang buhay para sa akin. Nung una, hindi ko alam kung ano isasagot ko dahil kinder 2 pa lang ako nun. Nasabi ko sa aking guro na, "Ma'am, para sa'kin, ang buhay ay pag-mamahal." Yun lang ang nasabi ko dahil alam ko sa sarili ko noon na pag-mamahal ang bumubuhay sakin galing sa aking pamilya.
Sa pag-laki ng puno ng mangga, patuloy din ang aking pag-laki. Naging malawak ang pagkilatis ko sa mundong aking kinabibilangan at pagtuklas ng mga bagay-bagay sa aking paligid. Sabay sa aking pag-laki, ang isip na nag-hahanap ng kasagutan tungkol sa tunay na depinisyon ng buhay ay lumawak din. Ang buhay pala ay puno ng misteryo, sa pag-tuklas mo nito, marami kang matututunan sa buhay. Ang pagiging mautak, matiyaga, makipag kapwa-tao, at higit sa lahat, ang mag-mahal.
Ngayong binata na ako, nagkakaroon na ng kulay ang aking buhay. Sa pamamagitan ng gabay ng aking magulang at kaibigan, lubos kong naunawaan ang salitang BUHAY. Ang buhay pala ay parang tanong sa pag-susulit, hindi mo matutuklasan ang sagot kapag hindi ka nag-hanap ng kasagutan. Simple lang, kung hindi ka magiging mapamaraan, sa tingin mo magiging masaya ang buhay mo? Kailangan mong mag-sikap para maabot ang tunay na kahulugan ng buhay. Pangarap, pag-ibig, pamilya, kaibigan, at pera. Yan lang naman talaga ang nag-papaikot sa buhay ng isang tao eh. Kung wala ka sa isa jan, hindi magiging makabuluhan ang buhay mo.
Sa buhay, nakakaranas tayo ng saya at lungkot na minsan, hindi natin alam kung bakit. Misteryo ang buhay, tayo ang dapat tumutuklas sa dahilan nito. Minsan, kapag masaya sa buhay, naiisip mo na, "Sana lagi nalang ganito!". Pero naisip mo ba kung puro saya ang buhay, magiging masaya ka ba? Parang ganito lang yan, kung puro ka pag-kain, mabubuhay ka ba? Ang bawat saya sa buhay ay may katumbas na kalungkutan. Kung nakaranas ka ng kasiyahan ngayon, hindi habang-buhay masaya ka. Darating ang oras na makakaramdam ka din ng kalungkutan. Masarap ang buhay na nakakaranas ng kalungkutan dahil dito nagkakaroon ng thrill ang buhay nila.

Ang aking sariling kataga na may kaugnayan sa buhay:
  • "Walang masama sa taong nag-hahangad ng kasiyahan."
  • "Maging masaya ka lang. Yan lang naman ang meaning ng buhay eh"
  •  "Kung hindi ka nakaranas ng pagmamahal, parang hindi ka rin nakaranas ng BUHAY."
  • "Kung hindi ka gagawa ng paraan para maging masaya, para saan pa at nabuhay kpa?
  • "Wag dumipende sa NAKARAAN. Hindi mo maisusulat ang HINAHARAP kung hindi ka gagawa ng paraan para maitupad ito sa KASALUKUYAN"
  • "Ang pag-tuklas sa misteryo ng buhay ay nagsisilbing daan tungo sa kasiyahan nito."
  • "Hanggat nakakaranas ka ng kasiyahan, hindi malayong makaranas ka ng kalungkutan. Lhat ng bgay sa mundo may kabaligtaran. Yun ang KATOTOHANAN"
  • "Ang hindi pag-ranas ng kasiyahan sa buhay ay mas mabigat pa kesa sa kamatayan."