Linggo, Abril 01, 2012

Sabi nila, ang Buhay ay


               
          
Ano nga ba ang buhay? Sabi nila, ang buhay ay isang makabuluhang bagay na binigay ng atin Poong Maykapal na dapat alagaan at bigyan ng kulay. Pero para sa akin, ang buhay ay isang pag-subok kung saan masusubok ang pagiging tao mo. Ang buhay ay binubuo ng masasaya at masasakit na alaala. Ang mga alaalang ito ay humuhulma sa pagiging tao mo kung ano ka ngayon.
Noong 5 taong gulang pa lamang ako, tinanong ako ng aking guro kung ano daw ang buhay para sa akin. Nung una, hindi ko alam kung ano isasagot ko dahil kinder 2 pa lang ako nun. Nasabi ko sa aking guro na, "Ma'am, para sa'kin, ang buhay ay pag-mamahal." Yun lang ang nasabi ko dahil alam ko sa sarili ko noon na pag-mamahal ang bumubuhay sakin galing sa aking pamilya.
Sa pag-laki ng puno ng mangga, patuloy din ang aking pag-laki. Naging malawak ang pagkilatis ko sa mundong aking kinabibilangan at pagtuklas ng mga bagay-bagay sa aking paligid. Sabay sa aking pag-laki, ang isip na nag-hahanap ng kasagutan tungkol sa tunay na depinisyon ng buhay ay lumawak din. Ang buhay pala ay puno ng misteryo, sa pag-tuklas mo nito, marami kang matututunan sa buhay. Ang pagiging mautak, matiyaga, makipag kapwa-tao, at higit sa lahat, ang mag-mahal.
Ngayong binata na ako, nagkakaroon na ng kulay ang aking buhay. Sa pamamagitan ng gabay ng aking magulang at kaibigan, lubos kong naunawaan ang salitang BUHAY. Ang buhay pala ay parang tanong sa pag-susulit, hindi mo matutuklasan ang sagot kapag hindi ka nag-hanap ng kasagutan. Simple lang, kung hindi ka magiging mapamaraan, sa tingin mo magiging masaya ang buhay mo? Kailangan mong mag-sikap para maabot ang tunay na kahulugan ng buhay. Pangarap, pag-ibig, pamilya, kaibigan, at pera. Yan lang naman talaga ang nag-papaikot sa buhay ng isang tao eh. Kung wala ka sa isa jan, hindi magiging makabuluhan ang buhay mo.
Sa buhay, nakakaranas tayo ng saya at lungkot na minsan, hindi natin alam kung bakit. Misteryo ang buhay, tayo ang dapat tumutuklas sa dahilan nito. Minsan, kapag masaya sa buhay, naiisip mo na, "Sana lagi nalang ganito!". Pero naisip mo ba kung puro saya ang buhay, magiging masaya ka ba? Parang ganito lang yan, kung puro ka pag-kain, mabubuhay ka ba? Ang bawat saya sa buhay ay may katumbas na kalungkutan. Kung nakaranas ka ng kasiyahan ngayon, hindi habang-buhay masaya ka. Darating ang oras na makakaramdam ka din ng kalungkutan. Masarap ang buhay na nakakaranas ng kalungkutan dahil dito nagkakaroon ng thrill ang buhay nila.

Ang aking sariling kataga na may kaugnayan sa buhay:
  • "Walang masama sa taong nag-hahangad ng kasiyahan."
  • "Maging masaya ka lang. Yan lang naman ang meaning ng buhay eh"
  •  "Kung hindi ka nakaranas ng pagmamahal, parang hindi ka rin nakaranas ng BUHAY."
  • "Kung hindi ka gagawa ng paraan para maging masaya, para saan pa at nabuhay kpa?
  • "Wag dumipende sa NAKARAAN. Hindi mo maisusulat ang HINAHARAP kung hindi ka gagawa ng paraan para maitupad ito sa KASALUKUYAN"
  • "Ang pag-tuklas sa misteryo ng buhay ay nagsisilbing daan tungo sa kasiyahan nito."
  • "Hanggat nakakaranas ka ng kasiyahan, hindi malayong makaranas ka ng kalungkutan. Lhat ng bgay sa mundo may kabaligtaran. Yun ang KATOTOHANAN"
  • "Ang hindi pag-ranas ng kasiyahan sa buhay ay mas mabigat pa kesa sa kamatayan."


1 komento: