Ano nga ba ang salitang kaibigan? Sino-sino ba sila sa buhay natin? Nahanap mo na ba ang iyong kaibigan? Sabi ng iilan, ang kaibigan daw ay isang taong laging nakaagapay sa oras ng kagipitan at ang tanging masasandalan ng bawat nilalang. Sila yung mga taong nag-aalay sa iyo ng oras para mag-bigay ng kasiyahan at sila din ang taong umaalalay sa atin sa tuwing ang problema ay nararanasan. Para sa akin, ang kaibigan ay isang inspirasyon na dapat dinadala natin sa anumang unos o saya ng buhay.
Sa pag-bagtas mo sa agos ng buhay, kasabay nito ang pag-alalay sa iyo ng isang tunay na kaibigan. Masarap magkaroon ng isang tapat na kaibigan lalo na't minsan, sila ang katulong mo sa iba't-ibang bagay. Hindi ka nila iiwan gaya din ng inaasahan nila sayo, kasabay mo sila sa lahat ng mga bagay na pwedeng masabing kailangan ng kaibigan. DotA, pag-aaral, barkada, outing, gala, yan ang mga iilang bagay na kailangan ng kaibigan.
Nakakalungkot isipin na minsan, ay nagkakaroon ng alitan ang mga magkakaibigan. Ngunit ganun pa man, hindi ito dapat ang maging daan para sa ikakawasak ng mabuting samahan. Maging inspirasyon ito dapat sa atin na mas mabuting pairalin ang pag-mamahalan kaysa sa alitan. Huwag nating hayaang sirain ang matagal na pag-sasamahan dahil lamang sa sandaling 'di pag-kakaunawaan.
Pamilyar na pamilyar ang kasabihang ito tungkol sa kaibigan. "Ang mga kaibigan ko ay parang lata, maingay pero at least hindi PLASTIK." Mayroon kasing mga taong parang pusang gala, aalis kapag nakuha na nila ang gusto nila. Mayroon namang tayong masasabing BACKSTABBER o Plastik, kapag nakatalikod ka, bawat binibitawan nilang salita ay taliwas sa iyo. Resposibilidad mo ang mag-hanap ng totoong kaibigan. Iwasan mo ang kaibigang alam mo na hindi makakatulong sayo bagkos ay ikasisira mo pa. Hanapin mo ang kaligayahan sa piling nila at malalaman mo na nahanap mo na talaga ang iyong tunay na kaibigan.
"Knowledge cannot replace friendship. I'd rather be an idiot that lose you." Napakagandang kasabihan. Ito ang pinaka-paborito kong kasabihan kung kaibigan ang pag-uusapan. Hindi kayang bayaran ng kaalaman ang pag-kakaibigan. Hindi mo mahahanap ang iyong tunay na kaibigan kapag ginagamit ang iyong kaalaman. Magkaroon ka nga, ngunit masasabi mo bang tapat at nandiyan sila palagi sayo? Parang ganito, tuwing pag-susulit, sabi nila sayo, "Huy, pakopya mamaya ha! :) friends naman tayo eh." Masasabi mong kaibigan mo sila dahil narinig mo, pero naramdaman mo ba? Pag-tawag pa nga lang nila sayo na "huy" eh parang hindi ka nila kayang tawagin sa sarili mong pangalan. Sila yung mga tipong pusang gala na aalis sa buhay mo kapag nakuha na ang gusto nila. Mamulat ka kaibigan, hindi porket konti ang iyong nalalaman ay wala kang masasabing kaibigan. Ang pagiging totoo sa sarili ang mas madaling paraan para magkaroon ng tunay na kaibigan.
Minsan sa buhay magkaibigan, hindi malayong mahulog ang iyong puso para sa kanya. Mahirap isakripisyo ang matagal na pinag-samahan para sa isang nag-aalinlangang nararamdaman. Sa pag-hahangad ng mas mataas na hangarin, hindi mo alam unti-unti na palang nawawala ang dapat mong pag-trato sa kanya. Pag-ibig, isang pambihirang nararamdaman mo kaibigan. Hindi masamang maghangad nito ngunit, dapat mo munang isipin ang maaaring kahantungan nito. Paano kung ayaw nya? May magagawa ka pa ba? Magkaroroon kayo ng ilangan sa isa't-isa at alam kong ayaw mong maganap iyoon. Napahirap ng ganyang sitwasyon, hindi mo alam kung anu ba dapat ang lugar mo sa buhay nya dahil tinatrato mo siya bilang isang espesyal na kaibigan. Sumabay ka lang sa agos ng buhay at baka swertehin ka na may gusto din pala siya sa iyo. Payo ko lang ay isipin mo muna kung ano ang mas mahalaga at kung saan kayo mas tatagal.
Para sa akin, nahanap ko na ang mga tunay kong kaibigan. Sabay-sabay namin linayag ang 'di matatagong ganda ng dagat, at sa lawak nito ay nagkita-kita kami at alam kong plano ito ng Poong Maykapal para sa amin. Pininta namin ang masasaya at malulungkot na alaala na nagsisilbing gabay namin sa aming samahan. Sama-sama kaming sumakay sa eroplano ng buhay, sama-samang nag-aral at gumawa ng kalokohan. Maipagmamalaki namin na ang halos lahat samin ang SCHOLAR dahil alam naming hindi hadlang ang barkada sa pag-tamasa ng minimithing bituin. Nagpapasalamat ako sa inyo mga kaibigan, Camille Bocalig, Ninna Maglonso, Ruth Jane Clarita, Joanna Cardenas, Stephen Bacani, Keanu Ochiava, at Mike De los Santos. Dahil sa inyo, nakita ko ang liwanag ng kasiyahan sa likod ng nag-aalab na araw. Sana lagi tayong ganito at alam mong mangyayari ito. Inna Almira, isa pa pala siya sa tunay kong kaibigan, wala kasi siya jan sa larawan.
"Napakasarap ng pakiramdam na alam mong ang kaibigan mo ay tapat at handang magsakripisyo para sa iyo. Hanapin ang iyong kaligayahan sa simpleng kaibigan dahil isa sila sa hindi mababayarang pangyayari sa iyong buhay."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento