Sabi nila, ang pag-ibig daw ay ang pinakamakapangyarihang emosyong ating nararamdaman. Dalawa lang naman ang nagiging bunga ng pag-ibig eh, kung hindi ang pagiging masaya eh pagiging malungkot. Masarap makaranas ng pag-ibig kung alam mong totoo ang nararamdaman mo. Sa lalo mong pag-tuklas sa hiwaga ng pag-ibig, marami kang haharaping pag-subok para sa ikakaganda nito. Ano nga ba ang sangkap sa napakasarap na lasa ng pag-ibig? Kailan mo masasabing nakakaramdam ka ng hiwaga na ito? Para sa akin, mayroong TATLOng instrumento ang pag-ibig, kapag mayroon kayo nito, isa rin itong daan sa pag-sabi din ng TATLOng matatamis na salita ang "I LOVE YOU".
Tiwala Lang kaibigan! Isa sa pinakaimportanteng kailangan sa pag-ibig kay tiwala. Kapag nag-bigay ka ng tiwala sa iyong mahal, parang binbigay mo na rin sa kanya ang iyong buhay. Pinag-kakatiwala mo ang iyong sarili, ang iyong seguridad, at higit sa lahat, ang pag-sabi sa iyong sarili na, "Hindi nya ako kayang pag-taksilan." Napakasayang isipin na binibigyan ka din ng kahit katiting na tiwala ng iyong minamahal. Sa kabila nito, kagaya mo, ipinagkakatiwala na din nya ang kanyang buhay sayo. Babae ka man o lalake, responsibilidad mo ang pananatili ng tiwalang inaalay para sayo. Huwag na huwag kang gagawa ng isang masamang imahe na magsisilbing lagusan sa unti-unting pag-kawasak ng kanyang tiwala. Ang pagiging matino sa pag-ibig ang isang daan sa matuwid na pag-mamahalan. Huwag mag-alinlangan sa pag-bigay ng tiwala dahil babalik at babalik din yaan sa iyo. TIWALA LANG!
Hinding-hindi mawawala dapat ang isang KOMUNIKASYON sa isang relasyon. Ito ang nagsisilbing tulay ng dalawang taong nag-mamahalan para laging buhay ang kanilang presensya lalo na't kung malayo sila sa isa't-isa. Napakasarap makasama ang taong iyong minamahal. Yoong tipong nag-babasaan sa gilid ng dagat, kumakain mag-kasama sa maaliwalas na parke. Ngunit, sabi nga nila, lahat ng bagay ay may katapusan, sana pag-katapos ng araw na magkasama kayo ay dapat pinapanitili nyo sa sarili ninyo ang komunikasyon sa isa't-isa. Hindi natin hawak ang mundo na tayo ang magdedesisyon para lamang sa ikakasaya natin. At tsaka, hindi lang ang taong mahal mo dapat ang pinag-lalaanan mo ng presensya, nandiyan ang iyong pamilya na nag-palaki sayo, kapatid at mga kaibigan. Huwag na huwag mo silang kakalimutan dahil mas kilala mo sila kaysa sa mahal mo (Kung bago pa lamang ang relasyon).
Ang presensya naman ang pinakamahalaga sa lahat. Ito ang nagsisilbing daan sa pag-kilala mo at pag-kilala sayo ng taong iyong sinisinta. Sa paraang ito, malalaman mo kung sino ba talaga siya, mga kahinaan at gusto niya. Magandang ibahagi ang pinakamasayang presensya sa iyong taong sinisinta. Magkaroon kayo ng tinatawag na BONDING para makabuo ng isang dipang alaala na maisusulat nyo sa inyong mga isipan. Napakasarap ng pakiramdam na nasa tabi mo ang iyong mahal. Nasasabi mo ang gusto mong sabihin gaya ng "Mahal Kita" at dapat ipakita mo sa kanya kung ano ka ba talaga. Magpakatotoo ka sa sarili mo kapag kayo ay mag-kasama dahil mas mamahalin ka niya kung iyon ang gagawin mo. Uso din ang pag-lalambing sa isa't-isa gaya ng maiinit na yakap at matatamis na halik. Sa paraang ito, nailalathala mo sa kanya kung gano mo siya kamahal.
Sa buhay pag-ibig, may sasakit pa ba sa salitang BREAK na TAYO! Ano nga ba ang pakiramdam sa tuwing naririnig natin ang napasakit na salitang ito? Para kang sinakluban ng langit at lupa, para kang sinagasaan ng eroplano, at higit sa lahat, para kang sinusunog sa impyerno. Napakasakit kung makakaramdam tayo ng ganitong bagay. Hindi ito maiiwasan sa isang relasyon dahil sa mga hindi maintindihang problema. Gaya nga ng sabi ko nung una, TIWALA, KOMUNIKASYON, at PRESENSYA lamang ang sangkap sa matagumpay na pag-iibigan. Marahil ay nag-kulang ka sa mga pangangailangang yan. Ganun pa man, hindi pa iyan ang katapusan ng buhay mo kaibigan. Mas makakahanap ka pa ng mas karapat-dapat sa iyo na inilaan talagang tunay ng Diyos. Ang mali mo lamang ay nag-mahal ka ng taong hindi inilaan sayo pero okay lang yoon. Matuto tayo sa ating pag-kakamali at ituwid ang ating landas para mahanap ang ating tunay na kaligayahan. Huwag kang magpapakamatay kaibigan! Alam mo ba kung bakit kayo nag-hiwalay? Simple lang, hindi siya para sayo, kaya bakit mo sasayangin ang makulay na buhay para lamang sa kanya. Nakakalungkot isipin na madaming kagimbal-gimbal na pangyayaring ganito. Sana mamulat tayo sa reyalidad ng buhay na hindi sinasayang ang buhay sa maling tao.
Sa kabila ng unos ng pag-ibig, mayroon papalit na ngiting magsisilbing inspirasyon. Natutuwa ako sa mga matatandang napanatili ang presensya ng tunay na pag-ibig. Dahil dito, napatunayan ko sa sarili ko na hindi masamang mag-mahal. Ang mali lang natin ay ang hindi pag-hintay sa tamang panahon, sabi nga nila pana-panahon lang ang buhay. Sa pag-hagilap mo sa reyalidad ng buhay, alam kong mahahanap mo din siya. Siya na magpapaligaya, magpapatunay na ang pag-ibig ay mahiwaga at masaya. Hindi mo nga talaga masasabing kung kailan darating ang tunay na pag-ibig at sana lahat tayo ay magkaroon ng umaapaw sa galak pag-dating sa pag-ibig. Ikaw, nahanap mo na ba ang iyong tunay na pag-ibig?
"Sa pag-lipad sa langit na inaasam, pag-ibig sana'y iyong makamtan. Matuto tayong mag-hintay sa tamang ORAS at tamang LUGAR. Nawa'y maging masaya ka sa iyong tatahaking landas sa pag-tuklas ng tunay na PAG-IBIG."
www.facebook.com/NakatagongMukhangBUhay
www.facebook.com/NakatagongMukhangBUhay